MAKA
Pasilip sa unang yugto ng 'MAKA LOVESTREAM' na '28 Days'

Simula ngayong Sabado (September 6), mapapanood na ang MAKA spinoff at bagong youth-oriented show na MAKA LOVESTREAM.
Tampok sa MAKA LOVESTREAM ang iba't ibang kuwento ng pangarap, pagkakaibigan, pamilya, at pag-ibig ng henerasyon ngayon.
Bawat buwan, iba't ibang love stories ang mapapanood na magkakaroon ng bagong tagpo at characters, na bibigyang buhay ng paborito nating barkada na sina Zephanie, Shan Vesagas, Josh Ford, Marco Masa, Ashley Sarmiento, Anton Vinzon, Chanty, Sean Lucas, John Clifford, Olive May, Bryce Eusebio, May Ann Basa, Mad Ramos, at Elijah Alejo.
Silipin ang ilang behind the scenes para sa unang yugto ng MAKA LOVESTREAM na pinamagatang "28 Days" sa gallery na ito:












