Patok na "Harvard University" memes ng Pinoys

Marami ang nagtaka kung bakit trending ang salitang “Harvard” sa social media site na Twitter at umabot pa ito sa mahigit 50,000 tweets noong Martes, August 25,
Nagsimula ang trend nang mag-post ang prestihiyosong Ivy League University sa kanilang Facebook account ng mga litrato na nagpapakita ng ilang campus scenes.
Tila naagaw ang interes ng mga Pinoy sa mga post na ito kaya naman nag-iwan sila ng funny comments at nag-share sa kani-kanilang timelines na nagpapanggap na nag-aral sila sa Harvard University.
Tingnan ang ilan sa mga nakakatawang comment at post ng mga Pinoy na pang-Ivy League pagdating sa katatawanan.









