Patuloy na nakakapit sa mga matitindi at pasabog na mga eksena sa House of Lies ang fans at viewers ng serye.
Ang pinag-uusapang intense drama ay pinagbibidahan ng Kapuso stars na sina Beauty Gonzalez, Mike Tan, Martin Del Rosario, at Kris Bernal.
Bukod sa kanilang mga karakter, patok din sa viewers at netizens ang ilang memes na iniuugnay sa kanilang mga eksena.
Silipin ang ilang relatable memes ng House of Lies sa gallery na ito.
Dahil hadlang siya sa love life ng anak ng paboritong anak na si Paolo (Mike Tan), madalas na nilalait noon ni Regina (Jackie Lou Blanco) si Marj (Beauty Gonzalez).
Ganito ang look at naging reaksyon ni Thea (Kris Bernal) nung muntikan na silang mahuli sa sikretong pagkikita nila ni Paolo (Mike Tan).
Ang eksenang ito ay tungkol sa pagkadiskubre ni Marj (Beauty Gonzalez) sa affair ng kanyang asawa na si Paolo (Mike Tan) at ni Thea (Kris Bernal).
Kay Hanna (Gee Canlas) ibinilin ni Marj (Beauty Gonzalez) ang kanyang anak at kapatid para makasugod sa Torrecampo family.
Pinag-usapan din ang eksenang ito, kung saan inilahad na napagod na si Regina (Jackie Lou Blanco) sa pag-awat sa madalas na sabunutan at pag-aaway ng kanyang mga manugang.
Marami ang natawa nang mapahiya si Thea (Kris Bernal) dahil nabaling na kay Marj (Beauty Gonzalez) ang atensyon ng kanilang biyenan na si Regina (Jackie Lou Blanco).
Kahit malayo ang kaibigan, patuloy na ina-update ni Thea (Kris Bernal) ang kanyang best friend kahit tungkol pa ito sa mga kalokohan niya.
Naging usap-usapan din ang mga eksena nina Greg (Lito Pimentel) at Evelyn (Snooky Serna), kung saan red flag ang una dahil sa patuloy niyang pagpaparamdam na gusto niya ang huli kahit may kanya-kanya na silang pamilya.