PBA Legend Samboy Lim, pumanaw na sa edad na 61

Pumanaw na sa edad na 61 ang Filipino Basketball legend na si Samboy Lim nitong Sabado, December 23, 2023, dalawang araw bago ang Pasko.
Sa isang Facebook post, inanunsyo ng pamilya ni Samboy ang kanyang naging malungkot na pagpanaw.
“Our Hearts are broken. Today, December 23, 2023, our dearly beloved Samboy passed away peacefully.
“A man of Faith, exceptional courage, humility, and grace. He embodied the very best of humanity. The Skywalker was 61,” saad sa unang bahagi ng post.
Matatandaan na noong 2014, isinugod sa ospital si Samboy nang atakihin ito ng cardiac arrest habang nasa isang exhibition game sa Ynares Sports Center sa Pasig City.
Mula noon, sumailalim sa matinding gamutan si Samboy.
“During his final moments at the Medical City, he was tenderly cared for by Lelen, Jamie, Johannes, sister Malou, nephews AP, Alby & wife Kates, and best friends: Allan Caidic & Robert Evangelista,” ayon pa sa post.
Si Samboy ay hinirang bilang five-time PBA (Philippine Basketball Association) All-Star, PBA Grand Slam champion, at bahagi ng PBA 25 greatest players.
Bukod dito, bahagi rin si Samboy ng Philippine team na nanalo ng ginto sa 1985 Fiba Asia Championship, at sa Southeast Asian Games.
Maraming salamat, at paalam Samboy.
Narito ang iba pang mga kilalang personalities na pumanaw ngayong 2023:


















