PBA players at ang kanilang pinakamamahal na asawa

Narito ang ilan sa basketball players na nagpatunay na hindi lahat ng baskebolista ay heartbreakers.
Isa na sa kanila ang dating PBA player na si Doug Kramer na 14 taon nang kasal sa aktres na si Cheska Garcia. Biniyayaan na rin sila ng tatlong anak na sina Clair Kendra, Scarlett Louvelle, at Gavin Phoenix. Mula sa pagiging isang basketball player, si Doug at ang kanyang pamilya ay isa na ngayong YouTubers.
Kabilang din sa listahan ang PBA players na sina Von Pessumal at PJ Simon na happily married na sa Pinay beauty queens. Noong 2021, matapos ang limang taon nilang relasyon ay nagpakasal na si Von kay Miss Word Philippines 2017 Laura Lehmann, habang si PJ ay may anak ng lalaki sa kanyang misis na si Binibining Pilipinas-Supranational 2018 Jehza Huelar.
Kilalanin ang magagandang asawa at kasintahan ng mga paborito nating PBA players sa gallery na ito.





























