Meralco Bolts superstar guard Chris Newsome married Miss Universe PH Quezon City Cam Lagmay in an intimate wedding on Friday, July 11.
In a report on Spin.ph, the former Ateneo de Manila University cager tied the know with Cam on the same day as their seventh anniversary as a couple.
Newsome, who is also part of Gilas Pilipinas, will be playing next month at the FIBA Asia Cup.
Last June, former Ateneo basketball player Kiefer Ravena also tied the knot with Diana Mackey at the St. Michael the Archangel Parish sa Bonifacio Global City, Taguig.
HERE ARE THE CELEBRITY WEDDINGS THAT HAPPENED IN 2025:
Ikinasal ang former child star na si Krystal Reyes sa kaniyang long-time boyfriend na si Lawrence Dela Cruz noong February 11 sa Saint Gabriel the Archangel Parish Church, sa Caloocan City.
Ikinasal ang volleyball star na si Michele Gumabao sa kaniyang long-time boyfriend na si Aldo Panlilio sa National Shrine of the Sacred Heart sa Makati City noong February 25. Muling pinagtibay ng dalawa ang kanilang pagmamahalan sa ikalawang kasal na ginanap sa Baguio noong March.
Noong March 7, muling nagpalitan ng pangako ng pag-ibig ang vocalist ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda at dating aktres na si Neri Naig sa isang garden wedding bilang pagdiriwang ng kanilang 10th wedding anniversary.
Nagpakasal ang former child actor na si Bugoy Cariño at volleyball player na si EJ Laure sa St. John Marie Vianney Church sa Silang, Cavite noong March 10.
Ipinagdiwang nina Patrick Garcia at ng kaniyang asawang si Nikka Martinez ang kanilang 10th anniversary sa pamamagitan ng pag-renew ng kanilang wedding vows. Ikinasal silang muli sa Boracay, kasama ang kanilang mga anak, pati na rin ang kanilang pamilya at malalapit na kaibigan noong March.
Ikinasal ang anak ni Marjorie Barretto na si Claudia Barretto sa kaniyang long-time boyfriend na si Basti Lorenzo noong April 9. Ginanap ang kanilang wedding reception sa Lakehall ng Nena's Sanctuary sa Santa Rosa, Laguna.
Ikinasal ang content creator na si Kristel Fulgar at ang kaniyang South Korean boyfriend na si Lee Su Hyuk noong May 10. Ginanap ang kanilang romantic wedding ceremony sa Luna Miele sa Seoul, South Korea.
Nag-renew ng wedding vows ang Mga Batang Riles star na si Diana Zubiri at ang kaniyang asawang si Andrew Smith noong May 11 sa isang intimate wedding ceremony.
Muling nagpalitan ng "I do" sina Isabel Oli at John Prats nitong May 19 bilang selebrasyon ng kanilang 10th wedding anniversary sa Nayomi Sanctuary Resort sa Batangas.
Noong May 29, ginanap ang garden wedding nina Leila Alcasid, anak nina Ogie Alcasid at Michelle van Eimeren, at ng Filipino musician na si Mito Fabie o mas kilala bilang Curtismith.
Ikinasal ang content creator na si Zeinab Harake at basketball star na si Bobby Ray Parks Jr. sa isang engrande ngunit intimate na Christian wedding na ginanap sa Crystal Palace of Aquila in the Sky sa Tagaytay City noong June 1.
Opisyal nang ikinasal ang beauty queen na si Diana Mackey at basketball star na si Kiefer Ravena nitong June 11, sa St. Michael the Archangel Parish sa Bonifacio Global City, Taguig.