News
'PBB 2.0' housemates, ano-ano ang mga mina-manifest ngayong 2026?

Sa pagtatapos ng 2025, hinarap ng PBB Celebrity Collab Edition 2.0 housemates ang task ni Kuya tungkol sa katapatan sa sarili, kung saan ibinahagi nila ang mga ugali na gusto na nilang bitawan, takot na gusto na nilang iwan, at hinanakit na nais nang wakasan.
Kasabay nito, ipinarating din ng housemates ang mga katangiang nais nilang hubugin, tapang na pinipili nilang ipakita, at kapatawaran o paghilom na nais nilang simulan sa bagong taong 2026.
Narito ang ilan sa mina-manifest ng housemates ngayong 2026:













