Pekeng fiancé, susi sa mana sa 'Regal Studio Presents: Instant Boyfriend'

Kuwento ng pamana at pag-ibig ang matutunghayan sa brand-new episode ng weekly anthology series na Regal Studio Presents.
Pinamagatang "Instant Boyfriend," mag-uuwi ng pekeng fiancé ang isang heredera para makuha niya agad ang kanyang mana.
Hindi maganda ang kita ng business ng CEO at tagapagmana na si Kim (Arra San Agustin) pero kaya umaasa siyang maililigtas niya ito gamit ang perang mamanahin mula sa mango farm ng lolo niya.
Dahil kagustuhan ng kanyang lolo na mag-asawa muna si Kim bago niya ipamana dito ang farm, babayaran niya si Julian (Yasser Marta) para magkunwaring fiancé niya.
Magiging kapanipaniwala ba ang pagpapanggap nina Kim at Julian?
Huwag palampasin ang brand-new episode na "Instant Boyfriend," July 13, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Silipin ang mga eksena ng episode sa gallery na ito:






