Pekeng pamilya, requirement sa scholarship sa 'Regal Studio Presents: My Fake Family'

Kuwento ng found family ang bagong episode ng weekend anthology series na 'Regal Studio Presents.'
Isang matalino at masipag na estudyante si Cholo (Miggs Cuaderno). Very independent din siya dahil wala na siyang pamilya.
Mag-a-apply si Cholo sa scholarship para makapag-aral ng kolehiyo sa abroad pero may kakaibang requirement para rito.
Kailangang mag-submit ni Cholo ng maikling dokumentaryo tungkol sa buhay niya at ng kanyang pamilya para mapatunayan ang magandang family background niya.
Sasabay pa sa problema niya ang mga pasaway niyang boarders--ang manikuristang si Erning (Jem Manicad), ang marites na si Kuring (Donna Cariaga) at ang makulit na si Marnie (Arhia Faye Agas).
Kapalit ng hindi niya pagpapalayas sa mga ito, magpapanggap sila bilang happy family para sa scholarship ni Cholo.
Magtagumpay kaya ang plano nila?
Abangan ang brand new episode na "My Fake Family," October 15, 4:15 p.m. sa 'Regal Studio Presents.'
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






