Pinay, iibig sa paluging Egyptian businessman sa '#MPK'

Malaking usapin ang pinansyal na kakayanan lalo na kung nagsisimula pa lang ang isang pamilya.
Iyan ang pagsubok na hinarap ng Pinay na si Maha at asawa niyang Egyptian na si Abdullah.
Tampok ang kanilang kuwento sa brand new episode ng real life drama anthology na '#MPK' o 'Magpakailanman.'
Bago magpakasal at mag-convert sa Islam, si Michelle ay isang matagumpay na online seller ng skincare products.
Makikilala niya si Abduallah, isang negosyante na tumungo sa Pilipinas mula Egypt dahil sa paluging mga negosyo nito.
Tutol ang pamilya ni Michelle kay Abdullah pero magpapakasal pa rin sila ni Michelle.
Ano ang mga pabsubok na haharapin ng mag-asawa? Paano nila malalampasan ito nang magkasama?
Abangan ang brand new episode na "For Better or For Worse," January 20, 8:15 p.m. sa '#MPK.'
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






