Pinky Amador, naniniwalang magiging magaling na theater actress si Ashley Ortega

Isa si Apoy sa Dugo star Pinky Amador sa mga highly acclaimed na aktres— hindi lang sa telebisyon at pelikula kundi pati sa teatro. Sa katunayan, isa siya sa mga orihinal na London cast ng Miss Saigon bilang si Cameron Mackintosh.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, March 24, inamin ni Pinky na sobrang nami-miss na niya ang teatro. Pagbabahagi ni King of Talk Boy Abunda, tuwing nakikita niya ang batikang aktres ay naaalala niya ang mga play na ginawa nito.
“Yeah, he would always watch,” sabi ni Pinky sa kaniyang co-star na si Ashley Ortega, na nagpakita naman ng interes na mapanood ang aktres sa isang play.
Pag-amin ni Ashley, naisip niyang magteatro noon at sinabing isa pa rin iyon sa mga pangarap niya. At ayon kay Pinky, sa tingin niya, magiging magaling ang nakababatang aktres sa pagganap sa isang play.
“I think you would be fantastic because you have the dedication, you have the training, and most importantly, you have the discipline because you're an athlete. I can tell you that right now,” sabi ni Pinky.
Sabi naman ni Ashley, “Maybe one day, Tito Boy, I would want to.”
SAMANTALA, TINGNAN ANG ILAN SA MGA PINAKA-SUCCESSFUL NA AKTOR NA PUMASOK NA RIN SA MUNDO NG TEATRO SA GALLERY NA ITO:










































