Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition: Kapuso and Kapamilya Duos

GMA Logo Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemates
Photo by: GMA, ABS-CBN, Pinoy Big Brother

Photo Inside Page


Photos

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemates



Ini-reveal na ni Kuya sa housemates ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition ang twist tungkol sa kahulugan ng collaboration.

Labis na nagulat ang Kapuso o Sparkle at Kapamilya o Star Magic artists sa big announcement ni Kuya para sa kanila nitong Miyerkules, March 12.

Pahayag ni Big Brother, “Sa kauna-unahang pagkakataon, sa dalawampung taong kasaysayan ng aking bahay, isang duo na Kapuso at Kapamilya ang tatanghaling Big Winner ng edisyong ito. At ang katabi ninyo ngayon ang siya ninyong magiging ka-duo.”

Ayon sa kanya, magkasamang haharap sa bawat hamon ang isang pares ng Kapuso at Kapamilya habang nasa loob sila ng sikat na bahay.

“Mula sa sandaling ito, isang Kapuso at isang Kapamilya ang magiging isang duo. Isang duo na magkakasamang haharap sa tasks, challenges, nominations, at maging evictions sa aking bahay," paliwanag ni Kuya.

Pahabol pa niya, "Sila ay magsasanib-pwersa, dahil ang kapalaran ng isa ay kapalaran din ng kaniyang kasama."

Kilalanin ang Kapuso at Kapamilya duos sa gallery na ito.


Ashley Ortega and Ivana Alawi 
AC Bonifacio and Charlie Fleming 
AZ Martinez and Esnyr 
Brent Manalo and Michael Sager
Josh Ford and Kira Balinger 
Dustin Yu and Klarisse De Guzman 
Ralph De Leon and Mika Salamanca 
Will Ashley and River Joseph 

Around GMA

Around GMA

No new regulations vs imported cars, modifications, tire age — LTO chief Lacanilao
Lea Salonga, Rachelle Ann Go part of 'Les Misérables' in Manila
#WilmaPH remains almost stationary over waters of E. Samar