'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition,' may big comeback!

GMA Logo PBB Wildcard
Source: GMANetwork/FB

Photo Inside Page


Photos

PBB Wildcard



Isang “wild” announcement na ibinalita sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition episode ngayong Linggo, May 11.

Magkakaroon ng isang big comeback ang ilan sa mga former housemates sa Bahay Ni Kuya bilang mga wild card. Maaaring mamili ang audience sa pagitan nina Ashley Ortega, Charlie Fleming, Josh Ford, AC Bonifacio, Kira Balinger, at Ralph De Leon kung sino ang gusto nilang makita muli sa loob.

Sa anunsyo sa naturang episode, nilinaw na solo lang ang pagboto sa former housemates at hindi bilang mga duo. Isang Kapuso at isang Kapamilya housemate ang maaring pumasok muli sa loob ng Bahay ni Kuya.

Maaari nang bumuto simula ngayong gabi hanggang sa pagtatapos ng linggo. Sa Sabado, May 17, ay iaanunsyo na ang former housemates na magkakaroon muli ng tsansang mapabilang sa Big 4.

Huwag palampasin ang susunod na mga sorpresa at twists sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Mapapanood ang pinag-uusapang teleserye ng totoong buhay, weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.

Samantala, kilalanin ang mga miyembro ng pamilya ni Kuya sa bagong season ng teleserye ng totoong buhay sa gallery na ito.


Michael Sager
Ashley Ortega
AZ Martinez
Will Ashley
Josh Ford
Charlie Fleming
Dustin Yu
Mika Salamanca
AC Bonifacio
Esnyr
Brent Manalo
Klarisse De Guzman
River Joseph
Ralph De Leon
Kira Balinger
Vince Maristela 
Emilio Daez
Bianca De Vera
Shuvee Etrata
Xyriel Manabat

Around GMA

Around GMA

Cardinal David decries MAIFIP in proposed 2026 budget
Kim Won-shik brings star power to Jolly Clean Holiday Pop-Up
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'