Pinoy celebrities na meron ding YouTube channels

Sa panahon ngayon, maraming Pilipino na ang may mga social media account at mas madalas na sa kanilang cellphones kaysa manood sa TV. Kahit mga paborito nilang Kapuso shows, napapanood na rin online. Kaya naman, para mas malayo pa ang maabot ng ilang celebrities ay nagsimula na rin sila ng kani-kanilang mga YouTube channels.
Ang ilang celebrities, nakatuon ang YouTube channels sa pang araw-araw nilang buhay. Madalas, dito sila naglalabas ng bagong balita tungkol sa kanila o kaya naman, mga personal na accomplishment.
Ang iba naman, nagmimistulang mini talkshow ang channel dahil ini-interview nila ang kapwa nila celebrities, o kaya naman ay nakikipag-collaborate sa iba pang content creators. Ilang celebrities din ang nagpo-post sa kanilang channel ng travel adventures, o kaya naman ay videos ng pagsagawa nila ng mga online challenges.
Tingnan kung sino-sinong celebrities ay may sariling YouTube channel sa gallery na ito:






































































