advertisement
Celebrity Life

Celebrities who sought rehab services to reclaim their lives

1 of 10

Baron Geisler

Ilang beses sumailalim si Baron Geisler sa rehabilitasyon dahil sa kanyang bisyo sa alak at droga. Sa ikapito niyang rehab, mas nakilala ni Baron ang kanyang sarili at hinarap ang lahat ng maling bagay na nagawa niya sa iba. Naging malaking instrumento sa kanyang pagbabago ang asawa niyang si Jamie Evangelista, na nakilala niya sa rehab.

2 of 10

Azenith Briones

Kakaiba ang dahilan ni Azenith Briones sa pagpasok niya sa rehabilitation center. Nang mapansin ng kanyang mga anak na madalas siyang pumupunta sa casino, inakala nilang nalululong na sa sugal ang kanilang ina. Pero nilinaw ng aktres, "Talagang hindi naman ako adik sa casino" at bumibisita lang siya roon para sa kanyang negosyo at mga kaibigan. Dahil sa kanyang biglaang pagkawala, akala ng mga kaibigan niya na may masamang nangyari sa kanya, kaya't lumapit sila sa National Bureau of Investigation (NBI).

3 of 10

Jiro Manio

Nalulong din sa droga ang dating child actor na si Jiro Manio. Inamin niya na gumagamit na siya ng ipinagbabawal na gamot simula sa edad na 15. Sinubukan niyang pumasok sa rehabilitation center, pero nanaig pa rin ang kanyang bisyo. Noong January 17, 2020, na-involve ang dating aktor sa isang insidente ng pananaksak at nakulong ng dalawang linggo. Matapos ito, nagpasya si Jiro na muling pumasok sa rehab at simulan ang kanyang bagong buhay.

advertisement
4 of 10

Diego Loyzaga

Inamin ng Filipino aktor na si Diego Loyzaga na pumasok siya sa rehab ng ilang buwan dahil sa kanyang bisyo sa ipinagbabawal na gamot. Isa sa mga dahilan na tinukoy niya ang kanyang depresyon. Kaya pumayag siya sa desisyon ng kanyang inang si Teresa Loyzaga, na subukan ang rehab.“Para lang ma-explain 'yung pangyayari or nangyari sa nakaraan, sa past ko, kung bakit ako umabot sa rehab. I was very, very depressed. I was on the brink of suicidal, and I will not deny that substances had a part to play with my mental state. They don't help, e. Hindi siya nakakatulong," paliwanag ni Diego.

5 of 10

Boss Toyo

Ang kilalang Boss Toyo na si Jayson Jay Luzadas ay pumasok din sa rehab dahil sa ipinagbabawal na gamot. Nang malaman niya ang katotohanan tungkol sa kanyang tunay na pamilya, nalulong siya sa bawal na gamot. Dagdag pa ni Boss Toyo, naging snatcher pa siya noon para lamang may pangtustos sa kanyang bisyo. Ilang beses na siyang nagpa-rehab, ngunit ang talagang nagpabago sa kanya ay nang muntik na siyang mamatay dahil tatlong beses siyang dinapuan ng dengue.

6 of 10

Soliman Cruz

Dahil sa kanyang adiksyon sa ipinagbabawal na gamot, dumanas ng maraming pagsubok si Soliman Cruz sa buhay. Naging palaboy siya at pumasok sa iba't ibang raket, tulad ng pagbenta ng mga libro, para lamang may pangtustos sa kanyang bisyo. Lumipas ang panahon at sinubukan ng aktor na mag-rehab, ngunit madalas siyang labas-pasok sa center. Nang makahanap siya ng mas epektibong programa na makatutulong sa kanyang kalagayan, unti-unting gumaling ang kanyang adiksyon.

advertisement
7 of 10

JM de Guzman

Tila bata pa lamang si JM de Guzman nang gumamit siya ng bawal na gamot dahil nagbibigay raw ito sa kanya ng lakas at kumpiyansa. “I was bullied before when I was really young. So, wala akong self-esteem or confidence that time,” sabi niyam. Dugtong pa niya, “Taking drugs gives me power.” Ngunit habang tumatagal, naapektuhan nito ang kanyang kalusugan at pag-iisip. Pumasok ang aktor sa rehabilitation center ng dalawang beses.

8 of 10

Mark Anthony Fernandez

Naaresto si Mark Anthony Fernandez noong 2016 dahil nabisto siyang may dalang marijuana. Bago pa siya nahuli, pumasok na si Mark sa rehab para sa kanyang bisyo sa droga. Nakalaya ang aktor noong 2017 at bumalik sa showbiz bilang contract star ng Viva Artists Agency.

9 of 10

Jobert Austria

Labis ang pasasalamat ni Jobert Austria sa kanyang mga kaibigan na tumulong noon sa kanyang rehabilitation mula sa bisyo sa pinagbabawal na gamot. Matapos pumasok sa center, masaya siyang nakabalik sa showbiz at tuluyan nang nagbago ang kanyang buhay.

advertisement
10 of 10

Nora Aunor

Pumutok noon ang balita tungkol sa pag-aresto kay Superstar Nora Aunor sa USA. Nahuli siya na may dalang illegal substances at paraphernalia sa Los Angeles International Airport. Para makalaya, pumasok siya sa isang six-month drug rehabilitation program at nagbayad ng fine noong 2005.

Around GMA