Playboy gym trainer, makakahanap ng katapat sa supladang dance instructor sa 'Regal Studio Presents: Perfect Fit'

GMA Logo Perfect Fit

Photo Inside Page


Photos

Perfect Fit



Abutin ang inyong fitness goals sa bagong episode ng weekend anthology series na 'Regal Studio Presents.'

Pinamagatang "Perfect Fit," kuwento ito ng playboy na trainer at gym owner na si Jim.

Gamit ang kanyang charm, humahakot siya ng mga kliyente at mga babaeng ide-date.

Bagong target niya ang maganda pero supladang dance instructor na si Jenna.

Lalo pa niyang pagpupursigihan si Jenna nang malaman niyang ang dance classes nito ang dahilan ng pagdami ng kliyente ng karibal nilang gym.

Nang alukin ni Jim si Jenna ng trabaho sa kanyang gym, agad itong papayag.

Ang hindi alam ni Jim, may ibang plano para sa kanya si Jenna. Ano kaya ang sikretong itinatago ni Jenna?

Abangan ang brand new episode na "Perfect Fit," June 4, 4:15 p.m. sa 'Regal Studio Presents.'

Tunghayan ang simulcast nito sa GMA at GTV o kaya ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream.

Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:


Jeric Gonzales
Rabiya Mateo
Classes
Gym
Cute
Plan
Perfect Fit

Around GMA

Around GMA

10,000 cops deployed in C. Visayas to secure Christmas celebration
Luis Pablo is finally home — and a champion: ‘Feels good to win it with La Salle’
Straight from the Expert: Lechon after the celebration (Part 2)