Pokwang, Coach Jay, nagkwento kung paano sila nagko-choreograph ng sayaw

Tinaguriang Dance Authorities ng Stars On the Floor, pinatunayan nina Pokwang at Coach Jay Roncesvalles ang kanilang galing sa pagsasayaw nang bumisita sila sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, October 13.
Matatandaan na si Coach Jay ang choreographer ng P-Pop group na SB19 at dating leader ng dance group na XB Gensan. Aniya, sobrang grateful siya sa P-Pop group dahil binigyan siya ng pagkakataon na gumawa ng mga bagong dance steps, at maka-inspire ng maraming tao.
“Yes po, parang sobrang grateful din naman ako kasi 'yung SB19 naman talaga, sobrang nakaka-inspire, dahil din sa music nila kaya nakakapag-create ako ng ganito,” sabi ni Coach Jay.
Samantalang si Pokwang, bago pa naging komedyante ay isa nang mananayaw noong magtrabaho siya sa Japan. Sa katunayan, kung papipiliin siya ngayon, mas pipiliin niyang maging dancer kaysa komedyante.
“Mas du'n ako sa dance talaga. 'Yun talaga 'yung first love ko, e,”
Tinanong din sila ni King of Talk Boy Abunda kung papaano at ano ang nag-i-inspire sa kanila sa paggawa ng bagong choreography.
Alamin ang sagot nina Pokwang at Coach Jay sa gallery na ito:









