Pokwang, nag-file ng petition for deportation laban kay Lee O'Brian

Ngayong June 13, nag-file ng deportation case ang Kapuso comedienne na si Pokwang laban sa ex-boyfriend niyang si Lee O'Brian.
Ayon sa post ni Nelson Canlas, kasama ni Pokwang ang kaniyang abogado na si Rafael Vincente Calinisan ng Calinisan Domino and Beron Law Offices sa Bureau of Immigration sa kaniyang pagpupursige ng deportation case sa dating karelasyon.
Samantala, nag-post rin si Pokwang tungkol sa kaniyang legal battle laban kay Lee.
Ani Pokwang sa kaniyang Instagram post, "para sa karapatan ko at ng anak ko, para sa mga kapwa ko babae at sa bayan ko."
Matatandaang inamin ni Pokwang na hiwalay na sila ni Lee noong July 2022.
Sinundan naman ito ng pag-amin ni Pokwang noong January 2023 na naka-move on na si Lee mula sa kanilang relasyon.
Ayon sa post ng GMA Integrated News, mapapanood ang ulat tungkol sa paghain ni Pokwang ng deportation case mamaya sa 24 Oras.
SAMANTALA, BALIKAN ANG RELATIONSHIP TIMELINE NINA POKWANG AT LEE:



















