Pops Fernandez, handa nang maging "Lolly Pops" sa unang apo

GMA Logo pops fernandez

Photo Inside Page


Photos

pops fernandez



“Magiging 'lolly' na ako!”

Ito ang masayang pahayag ni Pops Fernandez nang makausap siya ng ilang entertainment media matapos pumirma ng kontrata sa Viva Artist Agency noong Biyernes, September 29.

“Although hindi halata, di ba? Dati kasi ang daming nagtatanong, 'Hindi ka pa ba magkakaapo?' Bakit n'yo ako tinatanong, hindi ko naman desisyon 'yon. So yeah, finally, I get to join the bandwagon yung mga colleagues ko na mayroon na ring grandchildren.”

Magkakaroon na ng unang apo ang tinaguriang Concert Queen ng Pilipinas mula sa panganay niyang anak na si Robin Nievera at girlfriend niyang si Mia Acoba.

Sa panayam kay Pops, sinabi ng batikang singer na matagal nang nasa isip niya ang katagang “lolly” kung sakaling magiging lola na siya. Isang kaibigan daw kasi ang nag-suggest sa kanya nito noon.

"Actually, my friend long time ago [suggested it]. It got stuck in my mind. So, sabi ko, 'Ay, maganda 'yan. Sige, kapag naging granny na ako gusto ko ang tawag sa akin 'Lolly.' So, I will be a Lolly Pops very soon.”

Ano naman kaya ang itatawag kay Martin?

"Naghahanap pa s'ya ng name. 'Yong sa akin madali. Actually, the last time we're together, sabi n'ya, 'Ang daya. Kayo meron ng tawag.' Sabi ko, 'Mag-isip ka,'” natatawang kuwento ni Pops.

Hindi raw akalain ni Pops na sa edad niyang 56 ay magiging isang lola na siya. Gayunman ay masaya at excited na raw siya sa pagdating ng kanyang apo.

"At least, we're still young enough to enjoy the baby. Andyan na nga. Ang balita ko kasi mas exciting kapag apo, 'di ba? So, I can't wait to experience that.”

Noong nakaraang buwan, sa pamamagitan ng kanyang YouTube vlog, ipinakita ni Pops ang simpleng gender reveal ng kanyang magiging apo sa Las Vegas. Kasama rito ang dating asawa ni Pops na si Martin Nievera at isa pa nilang anak na si Ram Nievera.

Dito, nalaman na lalaki ang magiging apo nina Pops at Martin, na parehong umasa na babae sana ang magiging anak ni Robin.

“Actually, kung girl na-plano ko na na magtu-twining kami," nabanggit ni Pop sa interview.

Pero agad niyang nilinaw na kahit hindi natupad ang hiling niya, todo pa rin ang pagmamahal na ipakikita at ipararamdam niya sa kanyang apo.

“Of course, a baby is a baby, as long as he is healthy. He's such a blessing and we can't wait to meet our new baby boy in our family, ani Pops.

At wala rin daw makapipigil sa kanya sa pagtu-twinning nila.

Pabirong hirit niya,”Even if he's a boy it won't stop me. Pareho kami, s'yempre. Kung anong color ko, color din n'ya.”

Tingnan ang ilan pang celebrity lolas na excited sa kanilang apo rito:


Pauleen Luna
Jackie Lou Blanco
Lani Misalucha
Jenine Desiderio
Jean Garcia
Gloria Diaz
Vicki Belo
Annabelle Rama
Dina Bonnevie
Helen Gamboa
Melissa Mendez
Jaclyn Jose
Gina Alajar
Isabel Rivas

Around GMA

Around GMA

Marcos rejects PH label as ‘ISIS training hotspot’
EXO Chen announces Manila concert in 2026
GMA Network transitions to cloud-based IP distribution via partnership with Synamedia and Telered Technologies and Services Corp.