advertisement
TV

POV check: Best and iconic quotes from 'The People Have Spoken'

1 of 8

Heart Evangelista

Pilot episode pa lang, game na ibinahagi ni Heart Evangelista ang kanyang candid opinions sa iba't ibang tanong. Isa na rito ang kanyang pananaw sa pagpo-post online tungkol sa pagtulong sa ibang tao o sa isang organisasyon.

"For the longest time, no. Hindi kasi ako mahilig mag-post kasi ang iniisip ko kung ano ang tingin ni Lord ang tama, points ko na lang sa heaven. Sa afterlife ko lang iisipin. But, [as] we are also public figures, in a sense, it's good to create awareness for certain organizations. So from time to time, it's a yes."

2 of 8

Joy Barcoma 

May opinyon din si celebri-peep Joy Barcoma tungkol sa pag-post ng outreach initiatives online.

"Dapat nating i-post 'yung mga pagtulong natin sa social media, pero with an exception. Hangga't maaari, mag-post tayo nang hindi natin pinapakita 'yung itsura o kalagayan ng mga tinutulungan natin. Kasi somehow, it's a form of exploitation," paliwanag niya. "Kasi kung ako rin naman ang tutulungan, ayoko pino-post 'yung pagmumukha ko at binabalandra na nangangailangan ako ng tulong. So yes, dapat natin siyang i-post kung ang goal natin is to inspire [and help] other people. Pero no to posting if ang goal lang natin is to cloutchase."

3 of 8

Baus Rufo

Sa tanong kung dapat bang pakasalan agad ng boyfriend ang nabuntis niyang girlfriend, mas pinipili ni celebri-peep Baus Rufo na unahin ang kapakanan ng bata.

"Hindi po siya kailangan pakasalan kasi ang una niyong priority dapat ay ang kapakanan ng bata. Marami pong ibang paraan para patunayan kung mahal mo 'yung girlfriend mo. Hindi niyo kailangang magpakasal, puwede pareho lang kayo ng profile picture sa Facebook. O, di ba?" patawang sagot ng content creator.

advertisement
4 of 8

Sean Lucas

Nadagdagan ang hugot vibes nang sinagot ni Sean Lucas kung ano ang mas masakit marinig mula sa kasintahan: "Hindi na kita mahal o may mahal na akong iba?" Para sa kanya, ang una.

"Kasi at least [sa isa] may comparison ka, e. Ito, nagdesisyon lang siya na tigilan niyang mahalin ka. Ang sakit no'n marinig na parang kahit wala ka ginagawang mali, hindi na kita mahal. Hindi lang ako sapat ibig sabihin," kwento ng Sparkle host.

5 of 8

Janeena Chan

Hindi nagpatalo si Janeena Chan sa hugot vibes sa tanong na, "Naaawa lang ang dyowa mo sa 'yo kaya 'di ka niya maiwan. Itutuloy mo pa ba ang inyong relasyon?"

Sabi ng celebri-peep, "Siyempre, hindi na. Bakit pa ba? What is the point? Ang relationship, dapat nagmamahalan kayo. Hindi 'yung paawa-awa pa."

6 of 8

Tim Yap

Ngunit para kay celebri-peep Tim Yap, mas pipiliin niyang lumaban para sa pag-ibig. "Alam mo, ang pag-ibig hindi 'yan overnight. Gradual 'yan, na sa araw-araw natutunan mong mahalin ang tao. Kaya ako, laban lang. Hindi lang ito pagkain na pagkatapos mong isubo, puwede mong idura nang ganun-ganun lang," hugot ni Tim.

advertisement
7 of 8

Career or love

Handa si Heart Evangelista na gawin ang lahat sa pag-ibig, kahit isuko ang career. "Sira kasi talaga ako sa pag-ibig. Sinabi ko rin naman 'yun dati, " sabi niya. "I cannot live, you know, in a world without love. Love will keep us alive. 'Yun talaga ako. Para saan pa ako nabuhay kung wala naman akong nararamdamang pagmamahal?"

8 of 8

Reproductive health

Makabuluhan ang naging usapan nang tinanong kung saan dapat matutunan ng mga bata ang reproductive health at sex education. Para kay Joy, sa mga magulang dapat munang matutuhan ng mga bata ang tungkol dito.

"Pero meron din itong kaakibat na responsibilidad. Dapat ituro siya sa mga bata, lalo na ang reproductive health as early as sa edad ng batang nakakaintindi na. Kapag naiintindihan niya na kung ano ang kahalagahan ng mga body parts niya, kung bakit maselan ito, kung bakit sa kanya lang ito at pribado, only then should we explain it to our children," opinyon ni Joy. "'Yung sex education naman, puwede na 'yan sa latter part ng mga teenager para naman 'yung kaalaman ay may kaakibat na responsibilidad. "

Around GMA