#PreggyAlert: Celebrity pregnancies that shocked the public

Kung minsan hindi na rin nakakagulat ang ilang celebrity baby announcements lalo na't nakasanayan na nating mga Pinoy na mag-expect ng baby news pagkatapos na makasal ang paborito nating celebrities.
Gayunman, mayroon ding ilang celebrities na pinipiling itago ang kanilang pagbubuntis pero nakukuha pa ring masorpresa ang publiko.
Tulad na lamang nang sorpresahin ni Rita Daniela ang lahat noong September 2022 na magkakaroon na siya ng anak sa kanyang non-showbiz boyfriend.
Sa kaparehong taon, ginulat din ni Raffa Castro, anak ng dating T.G.I.S star na si Diego Castro, ang publiko nang kumpirmahin nitong mayroon na siyang anak sa aktor na si Joaquin Domagoso.
Kilalanin ang iba pang celebrities na gumulat sa publiko sa kanilang pagbubuntis sa gallery na ito.

















































