Pretty daughter, pilit pinag-aartista sa 'Regal Studio Presents: My Stage Mom'

Isang mother-daughter story ang hatid ng brand-new episode ng weekly anthology series Regal Studio Presents.
Sa episode na pinamagatang "My Stage Mom," ipapasa ng isang frustrated actress ang kanyang showbiz dreams sa kanyang anak.
Pangarap ni Joy (Tina Paner) na sumikat bilang artista pero maliliit na roles lang ang nakukuha niya noon.
Dahil dito, gagawin niya ang lahat para maging sikat at magaling na artista ang anak niyang si Alice (Charlie Fleming).
Ito ba talaga ang gusto ni Alice para sa kanyang sarili?
Huwag palampasin ang brand-new episode na "My Stage Mom," May 18, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Silipin ang mga eksena ng episode sa gallery na ito:






