Pretty helper, saksakan nang sungit ang boss sa 'Regal Studio Presents: Maid With Love'

Isa na namang nakakakilig na kuwento ang tampok sa bagong episode ng weekend anthology series na 'Regal Studio Presents.'
Pinamagatang "Maid With Love," kuwento ito ng isang masungit na boss at ng kanyang magandang helper.
Dahil nagkasakit ang kanyang lola, si Mara (AZ Martinez) muna ang papalit dito bilang maid ni Carlo (Gil Cuerva).
Istrikto si Carlo bilang boss at sobrang partikular sa kanyang mga gamit.
Ang masayahing si Mara na ba ang babago ng buhay niya?
Abangan ang brand-new episode na "Maid With Love," February 4, 4:15 p.m. sa 'Regal Studio Presents.'
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






