'Prinsesa Ng City Jail,' magbibigay liwanag na ngayong Lunes

Ngayong Lunes, January 13, magsisimula na ang istorya ni Princess (Sofia Pablo), ang babaeng magsisilbing liwanag sa madilim na mundo ng city jail.
Babalikan ngayong araw ang istorya ni Princess kung bakit sa loob siya ng kulungan ipinanganak.
Makikilala na rin ang dalawang babae na magiging parte ng buhay ni Princess na sina Sharlene (Beauty Gonzalez) at Divina (Denise Laurel).
Bago ang inaabangang world premiere ng 'Prinsesa Ng City Jail,' narito ang pasilip sa unang episode nito:





