Prinsipe Zardoz at Zandra ng 'Voltes V: Legacy', namasyal sa isang mall sa Terra Erthu

Kahit patuloy na nilulusob at pilit sinasakop ng mga Boazanian ang planetang Earth, hindi ibig sabhin na hindi na nila ine-enjoy ang mga gusali rito, gaya na lang ng ginawa nina Prinsipe Zardoz at Zandra mula sa mecha adaptation na Voltes V: Legacy.
Sa official Instagram page ng serye, ibinahagi ang mga litrato kung saan makikita sina Prinsipe Zardoz, na ginagampanan ni Kapuso star Martin Del Rosario, at Zandra, na binibigyang buhay naman ni Liezel Lopez, na naggagala sa isang mall sa Terra Erthu.
Tingnan ang adventures at Bozzie dates on Earth nina Prinsipe Zardoz at Zandra sa gallery na ito:










