Manang Bola ng 'Batibot' na si Priscila Rose Nalundasan, pumanaw na sa edad 60

Pumanaw na ang voice artist na si Priscila Rose Nalundasan sa edad na 60. Siya ang nagbigay boses sa kilalang puppet na si Manang Bola ng pambatang programang noong '80s na Batibot.
Ito ay kinumpirma ng anak niyang si Jaymar Nalundasan sa pamamagitan ng isang Facebook post noong Sabado, May 11.
Ang post ay naglalaman ng video greetings, na ani Jaymar, "Ang huling boses ni Manang Bola."
Sa caption, inilahad niya na sa kabila ng kumplikasyon ng sakit na diabetes, patuloy ang kanyang ina sa pagpapaunlak sa mga request.
Aniya, "Performance level pa rin po talaga siya. Ako po ang number 1 fan ng nanay ko at personal technical staff nya. Handa po akong mag assist sa nanay ko sa kahit anong trabahong gustong gusto pa rin nyang gawin kahit nanghihina na siya."
Sa huli nagpaalam si Jaymar sa kanyang ina, "Isang paghanga at pamamaalam. Mahal naming nanay."
Sa hiwalay na Facebook post, nagpahayag ng pagdadalamhati si Bodjie Pascua sa pagpanaw ng dating katrabaho.
Sa kanyang post na naglalaman ng mga larawan kasama si Priscila, sinabi ni Bodjie, "Heartbroken to find out that Priscila Rose Nalundasan, our dearest Manang Bola, passed away this morning.
"Love you, dear friend. Sobra kitang mami-miss, Rose.
"Rest in peace."
Noong nakaraang taon ay napanood pa si Priscila kasama ang mga katrabaho sa Batibot sa hit game show na Family Feud. Panoorin dito:
Samantala, narito ang ilang pang kilalang showbiz personalities na pumanaw na:
























