Priscilla Meirelles, ipinaglalaban pa nga ba ang kasal?

Noong Biyernes, February 28, bukas na inilahad Priscilla Meirelles sa Fast Talk with Boy Abunda ang estado ng kaniyang puso at isip sa kalagitnaan ng isyu sa pagitan nila ni John Estrada.
Bagamat nananatiling mainit ang usap-usapan sa estado ng kanilang kasal, masayang ibinahagi ni Priscilla na inuuna niya ngayon ang pagmamahal sa sarili.
Aniya ay at peace din daw ang isip nito.
Ngunit handa pa nga ba si Priscilla na ipaglaban ang kanilang kasal ni John Estrada?
At ano ang panig nito sa pahayag ng asawa na pahinga muna raw sila sa kanilang kasal?
Balikan ang kwentuhan nina Priscilla at Tito Boy sa gallery na ito:









