Promdi, biglang magiging model sa 'Regal Studio Presents: Mister Perfect Model Guy'

Para sa career girls ang bagong episode ng weekly anthology series na Regal Studio Presents.
Pinamagatang "Mister Perfect Model Guy," kuwento ito ng overworked na production assistant at promdi na madi-discover niya bilang isang model.
Nag-back out ang model na bibida dapat sa campaign na ginagawa nina Jona. Buti na lang, makikilala niya si Emman, lalaking nasa Maynila para hanapin ang nawawala niyang girlfriend.
Kahit walang alam sa modeling, papayag si Emman sa trabahong alok ni Jona para kumita ng pera at maipagpatuloy ang paghahanap niya.
Matutulungan ba nina Jona at Emman ang isa't isa?
Huwag palampasin ang brand-new episode na "Mister Perfect Model Guy," February 22, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Silipin ang mga eksena ng episode sa gallery na ito:






