advertisement
TV

'Protégé' alumni Thea Tolentino at Jeric Gonzales, kumusta matapos manalo 14 years ago?

1 of 10

Protégé grand champions

Unang sumabak sina Jeric at Thea sa showbiz nang sumali sila sa 'Protégé: The Battle for the Big Artista Break,' kung saan sila ang nagwaging kampeon 14 years ago.

2 of 10

Sureal

Pag-amin ni Thea, surreal ang karanasan niya noon lalo na at wala raw siyang kumpiyansa sa sarili. Sa katunayan, inamin ng aktres na sa buong kompetisyon niya uuwi na siya.

3 of 10

Mahiyaing artista

Ayon kay Thea, bata pa lang ay gusto na niyang maging artista. Pero pag-amin niya, masyado siyang mahiyain para subukang mag-audition. Napilitan lang siyang gawin ito para sa 'Protégé' nang ayain siya ng kaniyang ina. Agad-agad, lumuwas sila mula San Pablo papuntang Calamba, Laguna.

advertisement
4 of 10

Low confidence

Matapos manalo sa kompetisyon, inamin ni Thea na hindi niya alam kung ano ang aasahan niya pagkatapos. "Ganu'n po kababa 'yung confidence ko sa sarili ko, na wala akong ine-expect kahit sa sarili ko," sabi ng aktres.

5 of 10

Laguna contestant

Gaya ni Thea, tubong Laguna rin si Jeric. Pag-amin ng dalawa Sparkle artists, nalaman na lang nila ang tungkol dito sa mismong contest na.

6 of 10

Hindi makapaniwala

Hindi raw makapaniwala si Jeric noong manalo siya sa 'Protégé' lalo na at magagaling ang mga kalaban niya, na kinabibilangan nina Ruru Madrid at Mikoy Morales.

advertisement
7 of 10

Nursing grad

Bago pa naging artista ay nakapagtapos muna ng kursong nursing si Jeric. Noong nanalo siya sa 'Protégé' at may mga ginawa nang proyekto, napagtanto raw niyang bata pa lang ay gusto na niya ang pag-aartista.

8 of 10

Major turnaround

Itinuturing din ni Jeric bilang major turnaround ng kaniyang buhay ang pagiging bahagi ng 'Protégé' na nauwi sa pagiging isang artista. "Parang may pagka-culture shock pa rin. 'Tapos, well, since ito na 'ko, it was meant to be na mapunta ako dito. So ayun na, parang minahal ko na lang din 'yun."

9 of 10

First impressions

Sabi nina Jeric at Thea, magkasundo naman sila sa 'Protégé,' pero hindi agad naging close sa isa't isa. Sa katunayan, ang tingin ni Thea noon sa aktor ay parang kuya niya, habang ang unang impression naman sa kaniya ni Jeric ay masungit at suplada.

advertisement
10 of 10

Celebrity crushes

Ibinahagi rin nina Jeric at Thea na naging crush nila ang isa't isa noong nasa 'Protégé' pa lang sila. Ngunit hindi na nila ito ipinaalam, lalo na at 19 na ang aktor noon, habang 15 naman ang aktres. "Parang hindi din maganda, so parang in-admire na lang din namin 'yung isa't isa as magkasama sa contest."

Around GMA