Pulang Araw: Ang mga larawan bago ang giyera

Sa mga nakalipas na linggo sa Pulang Araw, nakilala na ang iba't ibang mga karakter na nagbigay-buhay sa mga kuwento ng mga Pilipinong naging biktima ng giyera sa bansa sa pagitan ng mga Amerikano at mga Hapones noon.
Sa mas tumitinding mga tagpo sa serye, mas lumalim pa ang naging pagkilala sa mga karakter na ito gaya nina Adelina, Teresita, Hiroshi, at Eduardo na ginagampanan nina Barbie Forteza, Sanya Lopez, David Licauco, at Alden Richards.
Para mapahinga sa mga mabibigat na eksena, narito ang ilan sa mga never-before-seen photos mula sa naging pictorial ng Pulang Araw cast. Silipin sa gallery na ito:




















