Kasabay ng pagiging trending ng hit GMA series na Pulang Araw, pinag-uusapan din ngayon sa social media ang child actress na si Cassy Lavarias na gumaganap bilang batang Adelina sa nasabing serye.
Bukod sa production quality ng Pulang Araw, marami rin ang pumuri sa acting performance ni Cassy.
Sa katunayan, laman si Cassy ng maraming review posts online tungkol sa serye kabilang na ang Goldwin Reviews.
Ayon dito, “Marami kang masasabing maganda tungkol sa produksyon ng teleseryeng ito, pero ang pinaka-nangibabaw talaga ay 'yung batang gumanap na Young Adelina o yung batang Barbie Forteza.
“Siya ang karakter na una mong kakapitan dito dahil nakakadala at mahusay ang kanyang pagganap. Kapag umiiyak siya, imposibleng hindi ka maawa. Nakakahawa rin ang mga ngiti niya. Hindi pilit yung tono ng pananalita niya. Natural siya magsalita. Sobrang laki ng potensyal ng batang ito.”
Dagdag pa nito, “Indeed, a new child star is born by the name of Cassy Lavarias.”
Sa comments section ng naturang review, maraming netizens din ang nag-iwan ng positibong komento tungkol kay Cassy kagaya ng batikang aktres na si Rita Avila.
“She is a GEM!” comment ni Rita.
Narito ang ilan pa sa magagandang komento ng netizens tungkol kay Cassy:
“Uy, sa true. Ang galing-galing niya. Pagbitaw ng lines, mabilis na patak ng luha, mga gestures niya. Parang pro na talaga sa acting,” reaksyon ng isang netizen.
“Super galing niya talaga! Very expressive ang mukha niya at bawat iyak niya talagang tutulo rin ang iyong luha. Well played Cassy!” mensahe pa ng isang Pulang Araw viewer.
“A great actress in the making! Her eyes are so expressive (ala Ate Guy). She will definitely go a long way,” komento pa ng isang netizen.
Samantala, sa isang interview, sinabi ni Cassy na masaya niya na gumanap bilang young Adelina na karakter ng aktres na si Barbie.
Aniya, “Sobrang saya ko po and I'm very grateful po na ako ang nakuha bilang young Barbie Forteza po dito sa Pulang Araw kasi alam naman po nating lahat na napakabait, napaka-galing, at napaka-ganda po ni Ate Barbie Forteza.”
Paglalahad pa ng child actress tungkol sa Pulang Araw, “Masaya po kasi tuwing nagte-taping po kami parang di po ako napapagod kasi yung buong prod po ng Pulang Araw pati 'yung mga magagaling pong direktor napakasaya po nilang kasama at napaka-professional po nila.”
Ang Pulang Araw ay pinagbibidahan nina Sanya Lopez, David Licauco at Alden Richards. Kabilang din sa serye ang premyadong aktor na si Dennis Trillo.
Sa ngayon, nananatiling trending topic sa social media ang Pulang Araw simula nang ipalabas ito sa GMA Prime at sa online streaming platform na Netflix.
Subaybayan ang Pulang Araw, Lunes hanggang Biyernes 8:00 p.m. pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Prime.
Samantala, mas kilalanin pa si Cassy Lavarias sa gallery na ito:
Cassandra “Cassy” Lavarias is an 11-year-old actress who has portrayed many supporting and bit roles in TV and film projects.
Cassy Lavarias's portrayal of young Adelina Dela Cruz in Pulang Araw earned her many praises from the audience.
In an interview, Cassy Lavarias said she is happy to portray young Barbie Forteza in Pulang Araw. “Sobrang saya ko po and I'm very grateful po na ako ang nakuha bilang young Barbie Forteza po dito sa Pulang Araw kasi alam naman po nating lahat na napakabait, napakagaling, at napakaganda po ni Ate Barbie Forteza,” she shared.
In 2019, Cassy Lavarias began her acting journey at the young age of 6. “Na-discover po ako nung nag-a-acting workshop po ako. Nag-start po ako bilang extra at nagdo-double din po ako dati. Year 2019 po ako sumabak sa pag-arte at I was only six years old nang makuha po ako sa isang show dito sa GMA-7,” she shared.
Aside from being a child actress, Cassy Lavarias also excels in academics. She is currently in the sixth grade.
Cassy Lavarias also had a small part in the 2023 film Mallari, which starred award-winning actor Piolo Pascual.
Cassy Lavarias had the opportunity to appear on the Kids Edition of Family Feud, the game show hosted by Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.
Another thing that Cassy Lavarias mentioned in an interview was how much she loves acting.
In an interview, Cassy Lavarias highlighted that she always feels excited whenever she attends the taping for Pulang Araw.
“Masaya po kasi tuwing nagte-taping po kami parang di po ako napapagod kasi yung buong prod po ng Pulang Araw pati 'yung mga magagaling pong direktor napakasaya po nilang kasama at napaka-professional po nila,” the young actress said.
Cassy Lavarias is an incredibly talented young actress who is worth keeping an eye on.