Rachelle Ann Go, inilahad ang napagtagumpayang mga pagsubok bilang theater actress

Labis ang saya ni Boy Abunda nang makita muli ang international theater actress na si Rachelle Ann Go sa Fast Talk with Boy Abunda.
Sa kanyang pag-uwi sa bansa, sinulit ni Rachelle Ann ang oras para makita ang kanyang pamilya at mga matalik niyang kaibigan sa loob at labas ng showbiz.
Ani Boy, malayo na ang narating ng aktres sa karera at sa personal nitong buhay. Kaya naman binalikan nilang dalawa ang mga pinagdaanan ni Rachelle Ann hanggang sa nakamit niya ang kanyang masayang buhay ngayon.
Nagbigay rin ng inspirasyon sa lahat ng mga manonood ang 'Miss Saigon' star, lalo na sa mga nais sundan ang kanyang mga yapak bilang singer at actress.
Balikan ang panayam ni Rachelle Ann sa gallery na ito:









