Randy Lawyer, mariing itinanggi ang mga alegasyon ni Melanie Marquez

Mariing itinanggi ng asawa ni Melanie Marquez na si Randy Lawyer ang mga alegasyon ng dating beauty queen na sinasaktan niya ito, at sinabing “baseless and unfounded” ito.
Sa statement na pinadala ng mga abogado ni Randy sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, sinabi nila, “Ms. Melanie has always been engaged in ostentatiously accusing Mr. Lawyer of abuse, but all of which were found to be baseless or unfounded by the proper forum.”
Pagpapatuloy pa nila, isa lamang itong act of harassment at defamation ni Melanie kay Randy.
KILALANIN ANG IBA PANG CELEBRITIES NA BIKTIMA NG ABUSE SA GALLERY NA ITO:
Saad pa sa statement ng mga abogado, kilala si Melanie sa pagsasalaysay ng mga “ostentatious, fabricated claims” ng abuso kay Randy. Ayon sa mga abugado, bawat isang reklamo ni Melanie ay inimbistigahan at dinismiss dahil sa pagiging baseless and unfounded ng mga awtoridad.
“The case Ms. Marquez mentioned in the interview that she previously filed against Randy was dismissed by the Office of the City Prosecutor of Makati, and did not even reach the court of law. This latest stunt is nothing short of malicious harassment, designed to inflict severe reputational damage, emotional distress, and professional harm on our client,” sabi nila.
Samantala, handa naman umano makipag-usap si Randy sa Bureau of Immigration para sagutin ang hiling ni Melanie na pag-suspend ng kaniyang visa, at pag-blacklist sa kaniya para mapigilan siyang makapasok ng Pilipinas.
Matatandaan na isiniwalat ni Melanie ang pang-aabusong natanggap niya umano mula kay Randy sa parehong GMA Afternoon Prime talk show noong January 5. Dito, inilahad niya ang physical, emotional, at verbal abuse na naranasan mula sa asawa.
BALIKAN ANG MGA SHOCKING SHOWBIZ NEWS NG 2025







