Raphael Landicho, kumasa sa 'Plenty' dance challenge

Patuloy na umaani ng maraming views ang recent dance video ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.
Matatandaang ipinamalas ng renowned actress ang kanyang smooth dance moves sa kantang “It's Plenty” ng Burna Boy sa TikTok. Ang naturang dance video ay kasalukuyang mayroong mahigit 90 million views sa popular social media app.
Kasunod ng pag-viral ng dance video ni Marian, ilang celebrities at netizens na ang sumubok na gayahin ang steps nito. Isa na rito ay ang Kapuso child actor at Voltes V: Legacy star na si Raphael Landicho.
Sa Instagram, ibinahagi ni Raphael ang kanyang video, kung saan makikitang nakasuot siya ng black shirt, pants, at cap habang cute na cute na ipinamalas ang kanyang dance moves.
“Yown oh! 'Plenty' of take and effort @marianivera,” sulat niya sa caption.
Nag-react naman si Marian tungkol sa video at sinabi sa comments section, “Ay sus ang cute”
PHOTO COURTESY: raphaellandicho (IG)
Napa-take two rin si Raphael sa naturang dance challenge at in-upload ang isa pang video na may caption na “Forda take two ang ferson! #Gigil.”
Samantala, napapanood si Raphael bilang Little Jon sa Voltes V: Legacy, weekdays, 8:00 p.m., sa GMA Telebabad, GTV, I Heart Movies, at Pinoy Hits.
Kabilang din si Raphael sa upcoming primetime series ni Marian Rivera na mayroong working title na Against All Odds, soon sa GMA.
Napanood din ang Kapuso actor sa recently-concluded na action-comedy series na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.
SILIPIN ANG IBA PANG CUTE PHOTOS NI RAPHAEL SA GALLERY NA ITO:














