Raymond Bagatsing at Jon Lucas, may hugot bilang mga kontrabida

“What makes a kontrabida, good kontrabida?”
Ito ang isa mga tanong ni Boy Abunda sa mga aktor na sina Raymond Bagatsing at Jon Lucas sa pagbisita nila sa Fast Talk with Boy Abunda.
Sina Raymond at Jon ang gumaganap bilang sina Edgardo at Calvin, ang mag-amang kontrabida sa buhay ni Elias (Ruru Madrid) sa seryeng Black Rider.
Sila ang dalawang karakter na kinaiinisan ng marami dahil sa kanilang pagiging malupit na antagonist.
Pero ano nga ba ang hugot nila sa pagiging epektibong kontrabida?










