Rayver Cruz, sigurado na si Julie Anne San Jose ang makakasama habang buhay

Mukhang hindi na pakakawalan ng Kapuso actor na si Rayver Cruz ang SLAY star na si Julie Anne San Jose.
Sa report ni Nelson Canlas sa 24 Oras nitong Huwebes, March 27, ikinuwento ni Rayver ang kasalukuyang lagay ng relasyon nila ni Julie Anne.
Naikuwento din ng Kapuso actor na nagsimula ang pagiging close nila ni Julie Anne noong 2021 sa taping ng musical special na Limitless: Heal, na kalaunan ay nabuo ang kanilang relasyon.
"Well, masasabi ko na sobrang tibay ng relasyon namin. Sobrang secure kami sa bawat isa and sobrang mahal namin 'yung bawat isa na alam namin sa puso namin na eto na 'yun, kami na forever," pag-amin ni Rayver.
Walang pag-aalinlangan na sinabi ng aktor, "Ako talaga gusto ko na siyang makasama for life. Ganoon 'yung level ng pagmamahal ko kay Julie.”
Sa larangan ng musika, inamin din ni Rayver na si Julie Anne ang naging inspirasyon niya upang muling buhayin ang dati niyang pagmamahal sa musika.
Ikinuwento din ni Rayver na kasalukuyang pinag-aaralan nito ang iba pang musical instruments para makasabay kay Julie Anne.
Samantalang, mapapanood muli sa big screen si Rayver sa Sinagtala na mapapanood na sa April 2.
Patuloy namang mapapanood si Julie Anne sa murder-mystery series na SLAY Lunes hanggang Huwebes, 9:25 p.m., sa GMA Prime.
Panoorin ang buong balita rito:
SAMANTALA, TINGNAN ANG COUPLE PHTOS NINA RAYVER AT JULIE ANNE DITO







