Ready for Delivery Boi? Check out these fun pictorial photos

Kaabang-abang ang bagong handog ng GMA sa Afternoon Prime, ang Delivery Boi, na pagbibidahan ng Sparkle actor na si Will Ashley.
Kabilang din dito ang mga premyado at batikang aktor na sina Eric Quizon, Keempee De Leon, Meryll Soriano, Maricar de Mesa, Gio Alvarez.
Kukumpletuhin naman ang powerhouse cast na ito nina Mika Salamanca, Yasser Marta, Vince Maristela, Mikoy Morales, Angellie Sanoy, Juharra Asayo, Baninay Bautista.
Bago mapanood ang kanilang mga karakter sa telebisyon, nagsama-sama muna ang cast para sa official pictorial ng serye, kung saan hindi napigilan ang kanilang kulitan at good vibes sa set.
Silipin ang behind-the-scenes photos mula sa Delivery Boi pictorial at kilalanin ang mga karakter na magpapasaya sa inyong hapon, sa gallery na ito.













