Recap 2023: The showbiz newsmakers of the year

Napuno ng maiinit na balita ang mundo ng entertainment ngayong 2023.
May mga positibong balita tungkol sa pamamayagpag ng talentong Pinoy sa loob at labas ng bansa; at mayroon ding mga kontrobersiya na umiikot sa hiwalayan, cheating, artistic expression, cultural treasures ng bansa, at celebrity deaths.
Nagbukas din ang taong ito para sa bagong yugtong haharapin ng mga sikat na personalidad sa personal na buhay man nila o sa kanilang career.
Bago matapos ang taon, balikan ang mga personalidad na gumawa ng ingay sa showbiz ngayong 2023 na pinag-usapan ng marami.











