News
'Red Crown' cast, nag-ala beauty queens sa media conference ng pelikula

Pasabog ang pagpapakilala ng cast ng upcoming GMA Pictures film na 'Red Crown' sa ginanap na media conference nito noong Martes, September 29.
READ: Beauty, Brains, and Bloodshed: GMA Pictures' 'Red Crown' hits cinemas this October 28
Tila nasa totoong pageant ang cast members ng pelikula, na tungkol sa 25 kandidata na maglalaban-laban para sa Queen of the Islands title at PhP25 million cash prize nito.
Mula pagrampa hanggang sa kanilang intro spiel sa stage, in character ang cast ng 'Red Crown,' na binubuo ng Sparkle artists, real-life beauty queens, at iba pang mga personalidad.
Narito ang ilang larawan mula sa media conference ng 'Red Crown.'

































