'Regal Studio Presents' celebrates second anniversary with brand new stories

Ipinagdiriwang ng weekly anthology series na 'Regal Studio Presents' ang second anniversary nito.
Para ipagdiwang ang milestone na ito, patuloy itong maghahatid ng mga kuwentong tatatak sa ating mga puso.
Humarap sa piling miyembro ng media ang ilang mga artista na magiging bahagi ng mga bagong episodes ng 'Regal Studio Presents.'
Ginanap ang media conference para as second anniversary ng weekly anthology series noong September 19 sa Valencia Events Place.
Ibinahagi nina Shany Sava, Royce Cabrera, Althea Ablan at marami pang ibang Kapuso stars ang mga episodes na pagbibidahan nila.
Tunghayan ang mga bagong kuwentong 'yan sa second anniversary specials ng 'Regal Studio Presents,' every Sunday 4:15 p.m. sa GMA.
Naka-livestream din nang sabay ang mga episodes nito sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Samantala, silipin ang media conference para sa second anniversary ng 'Regal Studio Presents' dito:










