Remember Jordan Herrera of 'Power Boys'?

Naaalala n'yo ba si Jordan Herrera ng 'Power Boys'?
Sumikat siya noong early 2000s nang mapanood sa TV commercial ng isang deodorant brand kasama ang iba pang hunk commercial models na sina Frank Garcia, Greg Martin, Geff Rodriguez, at Jay Salas. Binansagan silang "Rexona Boys" na kalaunan ay nakilala bilang "Power Boys."
Sa nasabing ad, sumasayaw ang limang lalaki sa saliw ng kantang "Everybody (Backstreet's Back)" ng Backstreet Boys habang naka-topless at may suot lamang na puting tuwalya habang nasa men's locker room.
Dito rin sumikat ang catchphrase na "Wala ba kayong mga kamay?"
Sa lima, higit na sumikat noon si Jordan na naging artista rin at nakilala sa kanyang sexy films.
Sa ngayon, nakabase ang aktor sa Amerika kasama ang kanyang asawa at dalawang anak.
Silipin ang buhay-abroad ni Jordan sa gallery na ito.














