Retiree at trainee, magba-bonding sa 'Regal Studio Presents: Happy Retirement Day'

Kuwento ng career at life goals ang tampok sa bagong episode ng weekly anthology series na Regal Studio Presents.
Sa episode na pinamagatang "Happy Retirement Day," magkakaroon ng unexpected bond ang isang retiree at isang trainee.
Binibilang na lang ni Teresa (Peewee O'Hara) ang mga araw hanggang sa pinakaiintay niyang retirement.
Bago nito, maaatasan siyang i-train si Anna (Althea Ablan), ang new hire na papalit sa kanya.
Ano kaya ang mapupulot ni Anna mula sa years of experience ni Teresa? Mahahawa din kaya si Teresa sa enthusiasm at energy ni Anna?
Huwag palampasin ang brand-new episode na "Happy Retirement Day," February 8, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Silipin ang mga eksena ng episode sa gallery na ito:






