Pinag-uusapan ngayon online ang kaabang-abang na pagkikita ng mga karakter sa GMA superserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Sa paglakbay ng mga New-Gen Sang'gres at Pirena sa Devas, nakasama muli nila ang mga pumanaw na mahal nila sa buhay.
Nakita muli nina Pirena (Glaiza De Castro) at ni Flamarra (Faith Da Silva) ang mga ngayong Ivtre na sina Mira (Kate Valdez) at Azulan (Marx Topacio).
Nakilala rin ni Terra (Bianca Umali) si Lira (Mikee Quintos), na tulad niya ay nanirahan sa mundo ng mga tao.
Ang naturang episode ay kaagad pinusuan online at napuno ng comments mula sa Encantadiks at viewers.
Marami rin ang nag-post ng memes na kinaaliwan hindi lang ng netizens, pati mismo ang cast.
Silipin ang mga reaksyon ng fans sa reunion ng mga Sang'gre dito:
May ilang netizens ang naging emosyonal na makita ang pagbuo muli ng pamilya ni Pirena (Glaiza De Castro). Sa kanilang paglakbay sa Devas, naipakita muli sina Mira (Kate Valdez) at Azulan (Marx Topacio).
Labis ang saya ng Encantadiks na makita muli ang iconic character na si Lira (Mikee Quintos).
Nagsama na ang dalawang taga-mundo ng mga tao, sina Terra (Bianca Umali) at Lira (Mikee Quintos)! Maraming viewers ang naaliw sa trip at pag-uusap ng dalawa.
Kinilig naman ang ilang fans sa bilin ni Terra (Bianca Umali) kay Wantuk (Buboy Villar), nag-abot kasi ito ng regalo para kay E'cnaad (Justin de Dios).
Dahil sa munting handog ni Terra (Bianca Umali), maraming netizens ang gumawa ng sariling theories tungkol sa samahan nina Terra at E'cnaad (Justin de Dios).