Rez Cortez, Bembol Roco, binalikan ang kanilang paboritong roles at pelikula

Dalawa sa mga pinakakilalang aktor noong dekada '70 at '80 ay sina Rez Cortez at Bembol Roco. Mula sa kanilang mga bida na karakter hanggang sa mga kontrabida roles na ginampanan noon ay talagang hinangaan ang dalawang aktor.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, September 4, binalikan ni King of Talk Boy Abunda ang kanilang mga dating pelikula, partikular na ang pagiging mga kontrabida. Tanong ng batikang host, natatakot ba ang mga tao kapag nakikita silang naglalakad sa labas?
Kuwento ni Rez, “Sa'kin, minsan may nagmumura pa e, may nagagalit. Pero I take it as a compliment, meaning effective ako sa mga role ko.”
Iyon din ang sinabi ni Bembol, na marami rin ang nagagalit sa kaniya, ngunit hindi niya umano ito masyadong pinapansin.
Tinanong din ni Boy ang ilan sa mga hindi nila malilimutang roles at proyekto nina Rez at Bembol. Alamin ang sagot ng mga beteranong aktor sa gallery na ito:









