Kinumpirma ni Sang'gre actress Rhian Ramos na hiwalay na sila ng four-year partner na si Sam Verzosa.
Sa panayam niya sa Fast Talk With Boy Abunda nitong Biyernes, March 6, sinabi ni Rhian na naghiwalay sila ni Sam noon pang October 2025, at kapwa nasa tahimik na kalagayan ngayon.
"Yes, we've broken up already. We're not in a romantic relationship anymore. And, I think, it's only now that I feel comfortable saying that because he confirmed it already, also in an interview, and I read about it.
"We broke up in October last year. And, I mean, of course, it's a relationship between two people, so it is quite private. I just want everyone to know that we're in a peaceful place now.
"I would say that we are both focusing on ourselves. Trying to better ourselves be best version.
Tingnan ang relationship timeline ni Rhian Ramos at Sam Verzosa sa gallery na ito:
Unang namataan ng publiko ang relasyon nina Rhian Ramos at Sam Verzosa nang magkasamang dumalo at magkahawak ng kamay sa GMA Gala Night noong 2022. Sa interview ng PEP.ph, inamin ni Rhian na si Sam ang date niya sa GMA Gala Night.
Sa 32nd birthday ni Rhian Ramos noong October 2022, isang sweet birthday message ang ibinahagi ni Sam Verzosa sa Instagram. Sulat niya, "I wish people may know you the way I know you so they can truly appreciate the person that you are. You bring out the best in me. Thank you for making me a better person and for making me happy. May all of your dreams come true, boo."
Noong 2023, nagkaroon ng breakup rumors sina Rhian Ramos at Sam Verzosa, pero agad na nilinaw ni Sam: "We are in love, pero tinatanggap ko we went through a rough patch and kasama ko si Rhian in one of my lowest moments."
Iba't ibang local at international destinations din ang in-explore nina Rhian Ramos at Sam Verzosa nang magkasama.
Noong March 2025, naging host si Rhian Ramos ng lifestyle show na 'Where in Manila,' kung saan nakasama niyang mag-explore sa Manila si Sam Verzosa.
Ipinagdiwang nina Rhian Ramos at Sam Verzosa ang kanilang ikaapat na anibersaryo noong August 2025.
Magkasamang dumalo sina Rhian Ramos at Sam Verzosa sa Sydney Marathon noong August 2025.
Noong December 2025, napansin ng netizens na naka-unfollow na sina Rhian Ramos at Sam Verzosa sa isa't isa sa Instagram.
Kinumpirma ni Rhian Ramos ang hiwalayan nila ni Sam Verzosa sa pagbisita sa Fast Talk with Boy Abunda noong Biyernes, March 6.
Ayon kay Rhian Ramos, naghiwalay sila ni Sam Verzosa noon pang October 2025.