Fast Talk with Boy Abunda

Rhian Ramos, nilinaw ang isyu kay Wil Dasovich sa breakup nila ni Sam Versoza

GMA Logo Celebrity breakups due to third parties
Source: whianwamos (IG) wil_dasovich (IG)

Photo Inside Page


Photos

Celebrity breakups due to third parties



Matapos kumpirmahin ni Rhian Ramos na hiwalay na sila ni Sam Versoza, nilinaw rin niyang walang kaugnayan ang content creator at kaibigan niyang si Wil Dasovich dito.

Ayon kay Rhian, itinuturing niyang isang nakakahiyang bahagi ng mga naririnig niya tungkol sa kanya ang pagdidikit sa pangalan ni Wil sa paghihiwalay nila ni Sam.

“This is one of the most crazy and embarrassing parts of everything that I've been reading about myself lately. Because it's so unconnected, I don't know why anyone would bring him into an issue like this?” sabi ni Rhian sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Biyernes, March 6, 2026,

Nilinaw ng Sang'gre actress y matagal na niyang kaibigan si Wil. Kaya labis ang hiya niya kilalang content creator dahil pilit na idinidikit at iniuugnay ang pangalan niya bilang dahilan ng kanilang breakup.

Ibinahagi rin ni Rhian ang pagtataka kung ang pang-i-issue ba na ito sa kanila ni Wil ay paraan ng tao upang i-slut-shame o pagmukhaing siya ang nag-cheat sa relasyon nila ng boyfriend na businessman.

“Will is my friend; he's one of my guy friends, and he has been for a long time. It's so embarrassing that he would suddenly come up.

“What's that for? To slut shame me or make me look like a cheater? We're just friends."

Humingi naman ng pasensya si Rhian kay Wil at sa pamilya nito dahil sa nangyari: “Sorry to Will and his family that someone brought him into this.”

Humingi rin si Boy ng paumanhin kay Wil dahil sa pagtatanong niya ng katanungang ito kay Rhian.

Related gallery: Sweet snaps of Rhian Ramos and Sam Verzosa

Inilahad din ni Rhian ang mga pinanghuhugutan niya ng lakas sa panahong ito.

Para kay Rhian, ang mga pagsubok daw ang siyang nagpapakita sa kanya kung sino ang tunay na kaibigan na maaari niyang mapaghugutan ng lakas sa panahon ng pagsubok.

“First of all, from God, from praying, also [from] friends and family. If there's anything I can say about dark times, the nice thing about it, it makes it so clear to you who your real friends are. Doon ako humuhugot ng lakas,” pahayag ni Rhian.

Ibinahagi rin ni Rhian ang kanyang hiling sa Maykapal matapos tanungin ni Boy kung ano nga ba ang kanyang ipinagdadasal sa araw-araw sa gitna ng mga nangyayaring ito sa kanyang personal na buhay.

“I asked God to give me strength, and to give me clarity, and to give me self-control. It's in these moments where the devil comes and tries to tempt you into being a bad person, or to act from a place of pain and anger,” dasal niya.

Kasama rin daw sa dasal ni Rhian ang bigyan siya ng lakas kahit pa patuloy na sinisira ang kanyang pangalan.

“I just have to tell myself every day, that's not how I operate. I operate from a place of love, and gratitude. I just ask God to give me the strength, no matter what they do to try to ruin my name; they will never be able to ruin my character,” pagtatapos niya.

Samantala, tingnan ang celebritiy couples na naghiwalay dahil sa third party:


Sunshine Dizon and Timothy Tan
Kim Chiu and Gerald Anderson
Martin Nievera and Pops Fernandez
Hayden Kho and Vicki Belo
Ciara Sotto and Jojo Oconer
Maricar de Mesa and Don Allado
Nikki Valdez and Christoph Lina
Sunshine Cruz and Cesar Montano
Donita Rose and Eric Villarama
Anthony Jennings and Jamela Villanueva
Bea Alonzo and Gerald Anderson
Kathryn Bernardo and Daniel Padilla
Skusta Clee and Zeinab Harake
Carlo Aquino and Trina Candaza
Jason Hernandez and Moira Dela Torre

Around GMA

Around GMA

Volleyball Tournament - March 7, 2026 | NCAA Season 101
ICC Appeals Chamber: Duterte to remain in detention
PropertyGuru Philippines Property Awards introduces new categories this year