Rica Peralejo, inamin ang one-day relationship nila ni Red Sternberg noon

Binalikan ng dating aktres na si Rica Peralejo ang naging past relationships niya sa showbiz sa pakikipagkuwentuhan sa programang Fast Talk with Boy Abunda noong Huwebes, April 11.
Binanggit ni Rica sa King of Talk na si Boy Abunda na nagkaroon siya ng tatlong celebrity exes na sina Red Sternberg, Bernard Palanca, at Piolo Pascual.
Pabirong pag-amin ni Rica, naging sila noon ng dating ka-loveteam na si Red pero isang araw lang.
Natatawang kuwento niya, "Batang-bata pa kasi ako noon and I could feel like my family didn't really like, not for any reason. Siguro kasi ang bata ko pa nga. And maybe, they felt Red was already a bit mature for me 'tapos ako sobrang bata. So, parang natakot ako. Next day, binawi ko. As in ako rin[sa sarili ko], 'Nakakahiya. Bakit ka pa umoo, binawi mo lang din.'"
Bukod kay Red, naging boyfriend din noon ni Rica ang mahusay na aktor na si Bernard Palanca. Ikinuwento rin ng dating aktres ang naging past relationship nila ni Piolo Pascual. Basahin sa gallery na ito:







