Richard Gomez, kinumpirmang may bagong manliligaw si Juliana

Ikinuwento ni Richard Gomez sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Lunes, November 24, na maraming nanliligaw sa anak niyang si Juliana.
Ayon kay Richard, masiyahin si Juliana at gina-guide nila itong mabuti ng asawang si Ormoc City Mayor Lucy Torres Gomez.
"Marami ring nanliligaw sa kanya," sabi ni Richard.
Dagdag niya, may nanliligaw ngayon kay Juliana. "Alam ko nag-break siya nung isang boyfriend niya few months ago, pero parang may nanliligaw ulit. Umaaligi-aligid. May nakita ako one time."
Ikinuwento rin ni Richard na may pagkakataon na isinama ni Juliana ang bagong manliligaw sa dinner ng kanilang pamilya.
Nang tanungin ni King of Talk Boy Abunda kung hindi ba siya istrikto, sagot ni Richard, "Hindi naman. Basta sa akin lang just be happy lang and alam mo naman 'yung limitations mo. Syempre, dalaga ka, maganda ka, hindi ka pa kasal so may limits."
Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na nagkaroon ng boyfriend si Juliana, at ito ay ang athlete na si Miggy Bonnevie-Bautista.
Samantala, tingnan ang stunning beach photos ni Juliana sa gallery na ito:
















