Richard Gomez, malaki ang pinagbago simula nang ikasal kay Lucy Torres

May 28 taon nang kasal sina Richard Gomez at Lucy Torres at pag-amin ng aktor, malaki na ang pinagbago niya simula nang ikasal sa kaniyang asawa.
Sa pagbisita ni Richard sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, November 24, kinamusta ni King of Talk Boy Abunda ang relasyon nila ng asawang si Lucy.
Sabi ni Richard, “I always tell Lucy, 'I'm very fortunate na ikaw ang napangasawa ko because I'm a better man now.' Mas nag-mellow ako, and then when it comes to decision-making, I take more time to come up with a decision.”
Kung dati ay ura-urada ang mga desisyon ni Richard, ngayon ay mas “nag-mellow” na siya at mas pinag-iisipan ito dahil na rin sa impluwensya ni Lucy.
Alamin pa ang kuwento ng buhay mag-asawa nina Richard at Lucy sa gallery na ito:









