Rico Blanco's rumored and past relationships

Sa tuwing maririnig ng OPM fans ang pangalan ni Rico Blanco, laging kaakibat nito ang titulong “rock icon.”
Hindi matatawaran ang kontribusyon ni Rico sa Philippine music industry dahil gumawa siya ng marka bilang band member ng Rivermaya na binuo nila noong 1994 kasama sina Bamboo Mañalac (popularly known as Bamboo), Mark Escueta, Perf de Castro, at Nathan Azarcon.
Ilan sa mga kanta na pinasikat ng Rivermaya ay ang “Ulan”, “Awit ng Kabataan”, “Kisapmata”, at “Himala.”
Kaya naman nang malaman ng publiko na aalis na si Rico sa Rivermaya noong June 2008 para mag-focus sa kaniyang solo career ay talagang pinag-usapan ito at naging laman ng mga balita.
Dahil sa taglay na star power, marami tuloy Pinoy ang naintriga sa buhay ni Rico bukod sa pagiging musikero niya. Sa katunayan, ilang showbiz websites at gossip blogsites ang nagsulat tungkol sa pagkaka-link niya kay KC Concepcion noon, ang anak nina Megastar Sharon Cuneta at former matinee idol na si Gabby Concepcion.
Balikan ang colorful love life ng isa sa OPM icons na si Rico Blanco sa gallery na ito.











